3 palapag ng isang gusali sa Sta. Ana, Maynila, nasunog

Tinupok ng apoy ang FEMS Tower 1 building na matatagpuan sa Vito Cruz kanto ng Osmeña Highway sa Sta. Ana Maynila.

Ayon sa Manila Fire Bureau, nagsimula ang sunog sa ikawalong palapag ng gusali at nadamay ang 7th at 6th floor.

Nagsimula ang sunog pasado alas 12:00 ng tanghali na umabot ng ikatlong alarma bago naideklarang ala 1:50 ng hapon.

Ang FEMS Tower ay pag-aari ni Dave Sahijuweni na isang Indian National.

Inaalam na ng mga tauhan ng Manila BFP ang pinagmulan ng sunog at kung magkano ang halaga ng napinsala ng apoy.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...