Bayan ng Allacapan sa Cagayan, binaha dahil sa bagyong Odette

Photo Credit: Dr Nicasio Galano

Binaha ang bayan ng Allacapan sa Cagayan dahil sa naranasang malakas na buhos ng ulan dulot ng bagyong Odette.

Ayon sa Facebook page ng Cagayan Provincial Government, nakaranas ng malawakang pagbaha sa nasabing bayan.

Maliban sa Allacapan, binaha din ang ilang bahagi ng Claveria.

Sa bayan naman ng Baggao, umapaw ang Abusag Bridge pero nadadaanan pa naman ito ng mga sasakyan.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...