Patay ang isang tricycle driver makaraan itong barilin sa harap mismo ng simbahan sa Caloocan City.
Ayon kay Caloocan Bishop Pablo Virgilio David, naganap ang insidente bago magsimula ang misa para sa ika-100th anniversary of the apparition of the Blessed Mother to the three children at Fatima, alas-5:00 ng umaga ng Biyernes.
Bigla na lamang daw may nagpaputok ng baril na pawang naka-maskarang riding in tandem habang nag-aabang ng pasahero ang tricycle driver.
Walong tama ng baril ang inabot ng biktima na agad namang dinala sa ospital kung saan doon na syang dineklarang dead on arrival.
Tinutukoy pa ng Caloocan Police ang motibo sa pamamaril at ang pagkakilanlan ng biktima.
READ NEXT
Mga militante, nagkilos-protesta sa Camp Aguinaldo; pag-abswelto ng korte kay Major Harry Baliaga, kinondena
MOST READ
LATEST STORIES