WATCH: Ilang karne na itinitinda sa Balintawak, kinumpiska ng NMIS

Kuha ni Justinne Punsalang

Nagtungo ng Balintawak Market sa Quezon City ang mga kawani ng National Meat Inspection Service o NMIS upang magsagawa ng inspeksyon sa mga nagtitinda ng iba’t ibang karne sa naturang palengke.

Mayroong ilang mga stalls na kinumpiska ang mga tinitindang karne dahil sa mga paglabag kagaya ng paglalagay ng mga supply ng karne sa sahig ng palengke, hindi nakalagay sa chiller na mga frozen meat, habang ang iba naman ay walang mga permit at meat inspection certificate.

Pinasok ng inspection team na pinangunahan nina Dr. Robert Umali, Dr. Rolando Marquez, at Dr. Domingo Gonzaga ang loob ng Balintawak Market.

At isa sa kanilang na-inspeksyong stall ay nakitaan nila ng atay ng baboy na mayroong liver fluke na isang parasitiko na nakakasama sa katawan sakaling makain ito ng tao.

Sinita rin ng NMIS ang mga stall kung saan nakapatong sa karton ang mga tindang karne. Ani Dr. Marquez, posibleng pamugaran ng bacteria ang mga karton kaya hindi ito ligtas gamitin, lalo na’t raw o hilaw ang mga karneng nakapatong dito.

Bagaman mayroong mga sinita at binigyan ng written warning ay mayroon ding mga tindahan na ikinonsiderang ‘good’ dahil kumpleto ito sa permit at meat inspection certificate, at maayos rin ang handling ng mga karneng itinitinda dito.

Paalala ng NMIS, kailangang maging mapanuri ang mga mamimili sa tuwing bibili ng karne dahil kalusugan ang nakasalalay dito.

Read more...