Hindi bababa sa apat ang sugatan sa pamamaril sa Palengke sa Sweden

Sugatan ang hindi bababa sa apat na katao sa insidente ng pamamaril sa palengke sa Trelleborg, Sweden.

Isang suspek ang bigla na lamang umano nagpaputok ng baril.

Isinugod na sa ospital ang mga nasugatan.

Ayon sa mga saksi, nakarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril at nakita nilang nagtakbuhan ang mga tao.

Kinordon na rin ang lugar habang hindi pa binanggit ng mga otoridad kung naaresto na nila ang suspek.

 

 

 

 

 

Read more...