Mga magsasaka nag-vigil sa Kamara

June9 Carper Rally via Erwin 1
Kuha ni Erwin Aguilon

Magdamag na nagsagawa ng vigil ang grupo ng mga magsasaka mula sa Central Luzon sa harap ng South Gate ng House of Representatives sa Quezon City.

Nasa 100 mga magsasaka mula sa Hacienda Luisita at iba pang lugar ang nagtipon-tipon sa gate ng Kamara mula Lunes ng gabu, para tutulan ang Comprehensive Agrarian Reform
Program Extension with Reforms (CARPER) gayundin ang isinusulong na Economic Charter Change sa Kongreso.

Ayon sa grupo, ang CARPER ay nagbibigay umano ng “full ownership” sa mga dayuhan sa mga agricultural land sa bansa.

Ipinanawagan din ng mga ito ang pagpasa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Genuine Agrarian Reform Bill.

Nakabinbin ngayon sa Kamara ang mga panukalang batyas na House Bill 4296 at 4375.

Sa sandaling maipasa ng tuluyan ang HB 42,96, maaamyendahan ang CARPER Law, at mapapalawig ang land acquisition and distribution component nito sa dalawa pang taon.

Ang bersyon ng Senado sa nasabing panukalang batas na Senate Bill No 2278 ay pasado na sa ikatlo at final reading noon pang September 2014.

Ang HB 4375 naman ay naglalayong lumikha ng independent Agrarian Reform Commission na mag-aaral sa “actual” accomplishment mg CARPER at mag-iimbestiga sa posibleng mga
paglabag sa pagapapatupad ng batas./ Erwin Aguilon

Read more...