2 duktor na may exposure sa MersCov, nakapasok ng bansa?

June 9 MersCOv dot net
Kuha ng Inquirer.net

Inaalam pa ng Bureau of Quarantine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang ulat na mayroong dalawang South Koreans na nagkaroon ng exposure sa sakit na Middle East Respiratory Syndrome Coronavirus (Mers-Cov) ang nakapasok umano ng Pilipinas.

Ayon kay Dr. Cesar Anastacio, station chief ng Bureau of Quarantine sa NAIA, ang Department of Health (DOH) lamang ang makapagbibigay ng kumpirmasyon sa usapin.

Batay sa report, mayroong mag-asawang duktor na South Koreans ang nakapagbiyahe papasok ng bansa nang hindi sumasailalim sa Quarantine bago umalis ng South Korea sa kabila ng pagkakalantad nila sa mga pasyente na may sintomas ng Mers-Cov.

Sinabi naman ni Manila International Airport Authority (MIAA) Spokesperson David Castro na bine-verify na ng pamunuan ng NAIA ang nasabing ulat.

Tiniyak din nitong nagpatupad na sila ng mas mahigpit na screening sa mga pasaherong galing ng South Korea.

Mas mahigpit ang ginagawang monitoring ng mga tauhan ng NAIA Bureau of Quarantine sa therma scanner para agad malaman kung ang pasaherong dadaan dito ay may sintomas ng sakit.

Sa sandaling makitaan ng sintomas gaya ng lagnat, ay agad itong susuriin gamit ang non-tough head thermometer.

Samantala, pinagsuot na rin ng mga protective masks ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at mga Immigration Officials sa NAIA na direktang nakakasalamuha ng mga pasahero./ Ruel Perez

Read more...