Sa Linggo, October 15 kasi isasagawa ng mga otoridad ang ikatlo nilang convoy dry run para sa gaganaping 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa November.
Tatlong convoys na magmumula sa Clark International Airport ang pupunta sa tatlong iba’t ibang destinasyon sa Metro Manila.
Ito ay ang Manila Hotel sa Maynila, Peninsula Manila sa Makati at sa Bonifacio Global City sa Taguig City.
Mula naman sa iba’t ibang hotel sa mga nasabing lugar, pupunta naman sa Philippine International Convention Center (PICC) ang mga convoy kung saan gaganapin ang event.
Dahil dito, maaapektuhan ng trapik ang ilang bahagi ng EDSA, Makati, Taguig, Pasay at Maynila, pati na ang southbound lanes ng SCTEX at NLEX.
Ang mga rutang ito ay magiging bahagi ng ceremonial lanes sa ASEAN Summit na nakatakdang ganapin sa November 10 hanggang 14.