CJ Sereno, kalmado lang sa kabila ng impeachment case

 

Hindi nababahala si Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa kaniyang kinakaharap na impeachment case, bagkus ay kalmado pa aniya siya.

Ayon kay Sereno, kumpyansa siya na malalampasan niya ang pagsubok na ito dahil nasa panig niya ang katotohanan.

Sa kaniyang pagpunta sa annual convention ng Philippine Trial Judges League sa Palo, Leyte, nilinaw niya sa mga dumalo na hindi siya tumungo doon para kunin ang kanilang mga suporta.

Bagaman nakalulugod aniya sa mga ganitong panahon ang pagpapakita ng suporta ng mga miyembro ng hudikatura, hindi niya ito gagawain para sa kaniyang ego.

Nanindigan din si Sereno na hindi siya nagsinungaling, nandaya, o nanggamit ng ibang tao at na ginagawa lang niya ang kaniyang tungkulin bilang punong mahistrado.

Sapat aniya ang kaniyang pananalig para makatulog pa siya nang mahimbing sa gabi, at naniniwala pa rin siya sa publiko at sa democratic systems ng bansa kaya alam niyang mabubuwag nito ang mga kasinungalingan laban sa kaniya.

Kwento pa ni Sereno, tinawag pa siyang “chill” ng isa sa kaniyang mga nakababatang staff dahil nananatili pa rin siyang kalmado.

Read more...