Signal number 2, itinaas na sa 4 na lalawigan sa northern Luzon dahil kay ‘Odette’

 

Mula sa Pagasa

Lumakas pa ang bagyong ‘Odette’ habang tinutumbok ang bayan ng Sta. Ana, Cagayan.

Mula sa pagiging tropical depression, isa nang tropical storm ang bagyong ‘Odette’.

Sa 11:00 PM update ng Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 125 kilometro sa silangan ng Aparri, Cagayan.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na nasa 65 kph at pagbugsong nasa 80 kph.

Patuloy nitong tinatahak ang direksyong kanluran sa bilis na 30 kilometro bawat oras.

Dahil dito, nakataas na ang Tropical Cyclone Warning Signal Number 2 sa lalawigan ng Batanes, kasama na ang Babuyan group of Islands, Apayao at Ilocos Norte.

Signal number 1 naman ang nakataas sa Isabela, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao at Ilocos Sur.

Samantala, dakong alas 12:45 nang madaling-araw nang mag-landfall ang bagyo sa Sta. Ana, Cagayan.

Read more...