Habagat tapos na, malamig na panahon inaasahang magsisimula na

 

Tapos na ang panahon ng hanging Habagat o panahon ng tag-ulan, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Ipinahayag ni PAGASA adminstrator Vicente Malano na batay ito sa pinakahuling pagsusuri ng klima.

Aniya, lumalakas ang high pressure systems sa Asya na hudyat ng pagtatapos ng panahon ng Habagat.

Dahil dito, inaasahan ang unti-unting pag-iral ng hanging Amihan sa mga susunod na araw, o ang malamig na panahon.

Read more...