Pagsalakay sa hydropower plant sa Mountain Province inako ng NPA

 

Inako ng New People’s Army (NPA) ang pag-atake sa hydroelectric powerplant sa bayan ng Bauko sa Mountain Province na nagdulot ng pagkawala ng kuryente sa malaking bahagi ng lalawigan.

Ipinahayag ng NPA Leonardo Pacsi Command na pinasabog nito ang transmission station ng 14-megawatt Sabangan power plant ng Hydro-Electric Development Corporation (Hedcor) noong Martes.

Inakusahan ng komunistang grupo ang kompanya ng pagnanakaw umano ng karapatan sa lupain at tubig ang mga residente.

Maliban dito, sinabi ng NPA kinokontrol umano ng Hedcor ang mga tao para makakuha ng “free prior and informed consent” para payagan makapagtayo ng planta.

Una nang ipinahayag ng Hedcor na 90% ng equipment ang napinsala sa insidente.

Read more...