Destabilization plot binalewala ni Duterte

Minaliit lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ikinasakang destabilisasyon ng kanyang mga kalaban sa pulitika. S

Sa talumpati ng pangulo sa relaunching ng press briefing room sa Malacañang, hinikayat pa nito sina Senador Antonio Trillanes IV, ang mga dilawan o ang mga taga Liberal Party at ang mga pula o ang mga rebeldeng grupo at lahat ng kanyang mga kritiko na magkaisa at magsanib puwersa para patalsikin siya sa puwesto.

Paliwanag ng pangulo, ito ay dahil sa iisa naman ang kanilang idelohiya sa ganitong paraan din aniya hindi sila magkakalat.

Gayunman, sinabi ng pangulo kusang mawawala ang kanyang mga kalaban sa loob lamang ng bente-kwatro oras.

Sa nasabing talumpati ay sinabi rin ng pangulo na pati ang Central Intelligence Agency ng U.S ay gumagawa ng paraan para siya mapatalsik sa posisyon.

Muli ring tiniyak ng pangulo na hindi siya kapit-tuko sa pwesto at handa siyang iwan ang pagiging lider ng bansa kung nanaisin nya.

Read more...