‘Hayahay’ remark ni Dela Rosa, idinepensa ng PNP

Dinepensahan ng Philippine National Police (PNP) ang “hayahay” remark ng kanilang hepe na si General Ronald Dela Rosa kaugnay sa pangunguna ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa war on drugs.

Pagtatanggol ni PNP Deputy Spokesperson Supt. Vimellee Madrid, ang nais lamang na ipakahulugan ni Dela Rosa ay mas mapagtutuunan na ngayon ng PNP ang anti-criminality campaign na pangunahin nilang mandato.

Ibig sabihin din daw nito na mababawasan ang kanilang trabaho dahil PDEA na ang mangangasiwa sa operasyon.

Samantala, sinabi naman ni PNP Spokesperson Chief Supt. Dionardo Carlos na dahil sa bagong kautusan ay malilimitahan na lamang saklaw ng PNP.

Mas mapagtutuunan na rin daw ng pansin ng pambansang pulisya ang ‘internal cleansing’ sa kanilang hanay pati na rin ang ‘anti-terrorism’ campaign.

Nlinaw maman ni Carlos na hindi bubuwagin ang Drug Enforcement Agency at ipapasa na lamang nito sa PDEA ang lahat ng “intelligence” na kanilang makukuha.

Sa pahayag ni Dela Rosa nang matanong tungkol sa pagliipat ng war on drugs sa pamamahala ng PDEA, sinabi nitong ‘hayahay’ na sila ngayon ang PNP.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...