Napasok na ng Islamic State of Iraq and the Levant (ISIL) ang military airbase sa isang lugar sa pagitan ng Iraq at Syria.
Dahil dito, kontrolado na ng nasabing militante ang mga maliliit na airbase na ginamit na rocket battalion ng militar.
Maging ang mga lugar sa probinsya ng Deir Ezzor ay nakubkob narin ng ISIL.
Aabot na sa 54 katao ang namatay nang magkaroon ng bakbakan ang ISIL at puwersa ng Syria sa Deir Ezzor military airport.
Kasalukuyan namang naglulunsad ang pwersa ng Syria ng pag atake sa mga kampo ng ISIL sa Al-Jafra.
MOST READ
LATEST STORIES