Ayon kay Sen. Poe, ikinukunsidera niya ang pag-amyenda para madagdagan ang panukalang P135.8 milyon pesos na budget para sa IAS sa taong 2018 upang makabili ng mga kinakailangang kagamitan ang IAS para magawa ng maayos ang mandato nito.
Sa ulat na natanggap ni Sen Poe, napag-alaman na mayroon lamang dalawamput dalawang abogado ang IAS o isang abogado ng IAS sa kada higit 8 libong pulis na tumutugon sa pag-iimbestiga, paghahanda at pagbuo ng mga kaso laban sa mga tiwaling pulis
Kulang na kulang din umano ang PNP IAS ng mga kagamitan dahil sa tala, mayroon lamang 22 laptops sa buong bansa, 6 dito ay sirain at luma na kung kaya ang mga IAS personnel umano sa mga internet shops gumagawa ng report
Giit ni Poe, hanggat hindi umano naipapatupad ang modernization ng PNP IAS at hindi natutugunan ang mga pangangailangan nito, malabo umanong magtagumpay ang PNP sa paglilinis sa kanilang hanay ng mga tiwaling pulis
Sa pagtaya mismo ng PNP mayroong 2 porsiento sa higit 180 thousand na mga pulis ang tiwali at sangkot sa korupsyon.