Signal number 1, itinaas sa Isabela at Cagayan dahil kay ‘Odette’

 

Isa nang ganap na bagyo o tropical depression ang Low Pressure Area (LPA) na unang namataan sa bahagi ng Borongan, Eastern Samar.

Sa 11:00 PM update ng Pagasa, pinangalanang ‘Odette’ ang naturang bagyo na namataan sa layong 925 kilometro sa silangang bahagi ng Tuguegarao, Cagayan.

Tinatayang magdadala ito ng moderate hanggang occasionally heavy na ulan sa loob ng 300 kilometrong diameter ng bagyo.

Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na nasa 45 kilometro kada oras at pagbugsong nasa 60 kph malapit sa gitna.

Tinatahak nito ang direksyong west-northwest sa bilis na 26 kph.

Sa ngayon, nakataas na ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa mga lalawigan ng Cagayan at Isabela.

Dahil sa direksyong tinatahak ng bagyo, malaki rin ang posibilidad na ilagay rin sa signal number 1 ang Babuyan group of Islands, Apayao, Kalinga, at Mountain province mamayang umaga.

Read more...