Sa kaniyang tweet, “unfortunate” aniya ang naging desisyon ng House Committee on Justice sa kabila ng naunang 26-2 votes para madismiss ang impeachment sa nakaraang pagdinig.
Dagdag pa nito, “unnecessary move” na ang naging desisyon ng Kamara dahil epektibo na ang ipinasang resignation letter kay Pangulong Rodrigo Duterte sa katapusan ng taon.
Sa kabila nito, kinilala ng opisyal na mayroong kaniya-kaniyang opinyon ang bawat miyembro ng Kamara.
Epektibo aniya ang pagbibitiw sa Disyembre para matiyak ang maayos na pagpapalipatan sa ahensya.
Nagpasalamat din ang opisyal sa pagkakataong makapagsilbi sa termino ni Pangulong Duterte.
Samantala, nakakuha ang impeachment complaint ng botong 137 no, 75 yes at 2 abstain para baliktarin ang naunang desisyon ng House Justice Committee na nagbasura sa reklamo laban kay Bautista.