PNP mas tututok sa mga anti-criminality operations at internal cleansing

Tanggap ng Philippine National Police ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanging Philippine Drug Enforcement Agency O PDEA na lamang ang magsagawa ng mga anti-illegal drugs operations.

Ayon kay PNP Spokespesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos, wala silang tutol sa utos ng kanilang Commander in Chief.

Base sa official order ng pangulo maging ang Armed Forces of the Philppines at National Bureau of Investigation at Bureau of Customs ay tatanggalin na sa pagsasagawa ng anti-illegal drug operations.

Sa ngayon, ayon kay Carlos itutuon lamang ng PNP ang kanilang trabaho sa anti-criminality  operations at internal cleansing sa buong hanay ng Philippine National Police

Tiniyak din nila na buo ang kanilang suporta sa PDEA kung kakailanganin ang tulong ng PNP.

Read more...