Duterte nanguna sa groundbreaking ng AFP-PNP housing project sa Bulacan

Photo: Chona Yu

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ground breaking ceremony para sa pabahay sa mga sundalo at pulis sa Scout Ranger Ville sa loob ng Camp Tecson sa Brgy. Tartaro at Calumpang sa San Miguel Bulacan.

Isang libong sundalo at pulis ang makikinabang sa duplex type housing unit na itatayo sa limampung ektaryang lupain.

Nasa 150 square meters ang lot area habang nasa 42 square meters ang floor area ng pabahay na proyekto ng national housing project at New AFP-PNP Housing Program.

Aabot sa P200 Million ang nakalaang pondo sa pabahay sa San Miguel, Bulacan.

Bukod sa San Miguel Bulacan, may ikinakasa ring pabahay project ang pangulon  sa mga sundalo at pulis sa sa Brgy. Talomo sa Davao City, sa Brgy. Cabaluay, Zamboanga City, sa Brgy. Tugbok Davao City at sa Brgy. Dahican sa Mati city Davao Oriental.

May housing projects rin ang pangulo para sa mga pulis at sundalo sa lalawigan ng Tarlcac, Bacolod city, San Fernando La Union, Iligan City at Baguio City.

Matatandaang una nang nangao ang pangulo na bibigyan niya ng bagong pabahay ang mga pulis at sundalo matapos agawain ng grupong Kadamay ang pabahay sa bayan ng Pandi, Bulacan.

Read more...