Ibinasura ng Metro Manila Council ang panukalang ‘twice-a-week number-coding scheme’ ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA.
Sa presentasyon ng naturang panukala sa isang pagtitipon, iginiit ni MMDA Chairman Danny Lim na mahirap gumawa ng solusyon sa nararanasang trapiko kung tuluyan ang pagdami ng mga sasakyan habang ang kalsada ay hindi nadadagdagan.
Sa ngayon, epektibo ang number-coding scheme kung saan isang araw sa isang linggo hindi maaaring bumiyahe ang mga sasakyan.
Tuwing Lunes, hindi maaaring bumiyahe ang mga sasakyang may plakang nagtatapos sa 1 at 2; Sa Martes, 3 at 4; Miyerkules, 5 at 6; Huwebes, 7 at 8; Habang 9 at 0 naman tuwing Biyernes.
Isa rin sa mga naging panukala sa MMDA ay ang gawing one-way ang kahabaan ng EDSA at C5 Road para sa mga sasakyan tuwing weekdays.