Binisita ngayong hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pinakamalaking warship ng Royal Australian Navy.
Inikot ng pangulo ang loob ng barko na ngayon ay nakadaong sa Pier 15 sa Manila South Harbor.
Ang Her Majesty Australian Ship Adelaide ay isa sa pinaka-sopistikadong helicopter landing ship ng Australia.
Magsasagawa rin ng anim araw na good will visit sa Pilipinas kung saan magtutungo rin ang mga Australian Navy members sa Subic.
Ayon sa Austaliam Embassy ang pagbisita ng dalawang Australian war ship sa Pilipinas ay bahagi ng joint task group Indo-Pacific Endeavor 2017 ng Australian Defense Force.
Nabatid na ang HMAS Adelaide ay ang amphibious assault ship at isa ring landing helicopter docks.
Sina Australian Ambassador Amanda Gorely at Assistant Defence Attache Gideon Scrimgeour ang nakatakdang sumalubong sa pangulo at ang commander ng Joint Task Group Indon-Pacific endeavor 2017 na si Captain Jonathan Earley ang magbibigay ng tour sa pangulo.