Pinaghahanda ni Department of Energy (DOE) Secretary Jericho Petilla ang publiko, partikular ang mga nasa bahagi ng Mindanao, dahil sa aasahang epekto ng El Niño sa Pilipinas.
Aniya, ito ay dahil sa mas mapapahaba ngayon ang panahon ng tagtuyot sa bansa.
Sinabi ng kalihim na sa pag-unti ng pag ulan, malaki ang maaaring maging epekto nito sa mga pananim at kuryente na ipoprodyus ng mga hydropower plants, na mula sa daloy ng mga ilog at tubig-ulan.
Sa isang pagpupulong, nanawagan si Petilla sa mga kooperatiba ng kuryente, consumer, at sa mga kumpanya na bantayan ang mga planta sa Mindanao, bilang paghahanda sa epekto ng El Niño.
Ipinaliwanag din ng kalihim na prayoridad ng National Water Resources Board (NWRB) ang tubig-inumin at agrikultura, at huli lamang ang hydropower plants, kaya hindi dapat iasa ng lokal sa alokasyon ng tubig para sa kuryente.
Hinihikayat din nya na kailangang maghanap ng mga alternatibong pagkukunan ng kuryente ang mga kooperatiba upang maiwasan ang rotational brownouts.
Pinagtitipid din ang mamamayan na magtipid sa pagkonsumo ng kuryente.
Tatagal umano ang epekto ng El Niño hanggang sa mga unang bahagi ng 2016.