Ayon sa Japan Meteorological Agency, nakataas na ang babala sa Tochigi at Ibaraki prefecture, na matatagpuan sa hilagang kabisera ng Tokyo.
Inihayag din ng nasabing ahensya na hindi pa nila naranasan ang ganitong katinding ulan.
Naitala sa Tochigi ang 60 milimetrong dami ng ulan mula pa nang bumuhos ang ulan noong Lunes, sanhi ng pag apaw ng Kinugawa river.
Sa ulat, nasabing doble kaysa karaniwan ang dami ng ulang bumuhos sa mga nasabing lugar.
Gumuho rin ang ilang mga gusali at mga templo dahil sa matinding pagbaha sa bayan namanng Nikko.
Nastranded ang maraming residente sa kani kanilang mga bahay, kaya naman rumesponde na ang mga military helicopter upang sagipin ang mga naapektuhan.
Patuloy naman ang aksyong isinasagawa ng pamahalaan, upang matulungan ang mga naapektuhan, partikular na ang mga nagsilikas sa mga evacuation centers.