Suspek sa Atio Castillo hazing case na si Ralph Trangia, dumating na sa bansa

Inquirer Photo | Jerome Aning

Nakabalik na ng bansa si Ralph Trangia, ang isa sa pangunahing suspek sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III.

Sakay ng Eva Air flight BR 271 dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 alas 11:44 ng umaga.

Kasama ni Ralph na dumating ang kaniyang ina na si Rosemarie mula Chicago, USA.

Ang mag-inang Trangia ay sinalubong ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD), Philippine Immigration at National Bureau of Investigation (NBI).

Hindi inaresto si Trangia dahil wala namang arrest warrant laban dito, bagaman nakasampa na ang kaso laban sa kaniya at iba pang kasamahan sa Aegis Juris.

Binigyan din siya ng seguridad ng mga airport police dahil pinagkaguluhan ito ng media at tinangkang mahingan ng pahayag pero hindi ito nagbigay ng komento.

 

 

 

 

 

 

 

Read more...