Nakumpiskang ‘drug packages’ BOC, inilipat sa pangangalaga ng PDEA

Kuha ni Jan Escosio

Ipinaubaya na ng Bureau of Customs (BOC) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang mga ilegal na droga na kanilang nasabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa nakalipas na dalawang buwan.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, kabilang sa mga ibinigay sa PDEA ang mahigit 200 ecstasy tablets na galing ng Germany noon pang Hulyo.

Gayundin ang mga marijuana na tumitimbang ng hindi bababa sa pitong kilo na galing ng California, USA at dumating sa iba’t ibang petsa noong Hulyo at Agosto.

Sinabi ni Lapeña na may consignees ang packages na naglalaman ng droga at hinintay nila na dumating ang mga ito para hulihin.

Aniya bahala na ang PDEA na magsagawa ng imbestigasyon sa mga insidente.

Inamin din ni Lapeña na hindi sila sigurado kung ang pagpapadala ng drug packages ay subok lang o dati nang ginagawa.

 

 

 

 

 

Read more...