Ph Azkals, naghahanda na kontra North Korea

azkals07_852_899_1008Pinaghahandaan na ng Philippine Azkals ang susunod na laban nila kontra North Korea sa Ika-8 ng Oktubre.

Umaasa naman si Azkals goalkeeper Neil Etheridge na hindi maapektuhan ang laban nila sa North Korea ang naganap na pagkatalo nila sa bansang Uzbekistan sa iskor na 5-1, sa World Cup Qualifiers match noong Martes sa Bocuae, Bulacan.

Aniya, hindi parin siya na nakapagpakawala ang Uzbekistan ng limang puntos sa isinagawang laro, habang isa lamang ang nabuo nila.

Bagaman hindi nila inasahan, naniniwala ang English-Filipino footballer na magaling ang kanilang koponan, at ibinuhos nila ang lahat hanggang sa mga huling minuto ng laro.

Ngunit sinabi din niya na kailangan na ring mag move on upang makapag focus sa susunod na laban.

Patuloy naman ang pagsasanay nila upang mapagwagian ang magaling din na North Korea.

Read more...