Inaprubahan ng Metro Manila Council ang suspensyon ng klase sa lahat ng antas sa buong Metro Manila sa November 16 hanggang 17.
Ito ay kaugnay pa rin ng 31st ASEAN Summit na idinadaos dito sa bansa.
Ang pasya hinggil sa suspensyon ng klase ay napagkasunduan sa isinagawang pulong ng Metro Manila sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Dinaluhan ang pulong ng mga alkalde sa Metro Manila at pinangunahan ni MMDA Chairman Danilo Lim.
Layon din ng pulong ang pagtalakay sa mga posibleng solusyon para maibsan ang matinding pagisikip sa daloy ng traffic lalo na ngayong papalapit na ang Christmas season.
Kabilang sa mga tinitignang solusyon ang posibleng pagpapatupad ng dalawang araw na number coding.
MOST READ
LATEST STORIES