Barkong patungong Sulu, tumigil sa gitna ng karagatan

pangutaranIsang barko ang nagkaaberya habang naglalayag sa dagat na sakop ng Pangutaran, Sulu.

Ayon sa Joint Task Group Sulu, nagmula sa Zamboanga City ang motor launch vessel na ML Rihanna 2 na papunta sana sa Taganak Island, Tawi-Tawi.

Biglang nagkaroon ng engine trouble ang barko sa gitna ng karagatan hanggang sa tuluyan na itong hindi umandar.

Agad namang nagsagawa ng rescue operation ang mga kasapi ng Philippine Navy gamit ang Patrol Gunboat (PG) 381.

Nailigtas naman ang mga pasahero na dumaong gamit ang patrol gunboat sa Warid Pier sa bayan ng Jolo, kasama ang iba pang crew ng nagkaproblemang barko.

Binigyan agad naman ng mga agarang pangangailangan ang mga pasareho na natakot dahil sa insidente.

Read more...