Ebola, sa mga unggoy lang may epekto

Ebola Inq fileSampu ang naitalang namatay na unggoy sa ilang pasilidad na minamatyagan ng Department of Health.

Ito ay kaugnay parin sa Ebola Reston Virus o ERV.

Ayon kay DOH Sec. Janette Garin, sa kalagitnaan ng Agosto, sunud sunod na nangamatay ang mga unggoy.

Una na rito naitala na ang 14 na unggoy na-detect na infected ng virus.

Sa kasalukuyan, may siyam pa umanong napag alaman na positibo sa mga senyales ng Ebola virus ngunit patuloy na ginagamot ang mga ito.

Dagdag pa ni Garin, wala umanong dapat na ikabahala ang iba pang farm na may mga alagang unggoy, dahil nananatili naman sa loob ng tatlong pasilidad ang mga unggoy na may ERV.

Sinabi naman ng DOH na wala namang empleyadong nagpositibo sa Ebola Reston.

Read more...