Irerekomenda ng House Committee on Good Government and Public Accountability na sampahan ng mga kaso si Ilocos Norte Governor Imee Marcos.
Ayon kay Surigao Rep. Johnny Pimentel, kasama sa kasong inirekomendang isampa kay Marcos ay plunder.
Sinabi nito na hindi pa tapos ang kanilang isinasagawang imbestigasyon ng kanyang komite may kaugnayan sa P66.4 Million na maanomalyang pagggasta ng pondo ng tobacco excise tax ng lalawigan na ipinambili ng mga sasakyan.
Paliwanag ni Pimentel na ang paggamit ng pondo mula sa tobacco tax ay dapat limitado lamang sa cooperative development at imprastraktura para sa industriya ng tabako.
Lumabas din sa ginawang imbestigasyon ng komite ni Pimentel na overpriced ng P195,000 ang bawat isang sasakyan na binili ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte na binili sa Granstar Corporation.
Hindi anya maaring makaligtas sa pananagutan dito si Gov. Imee dahil sa pirmado ng gobernadora ang mga dokumento sa transaksyon.