Magkaiba ang impeachment complaint na inihain laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno at ang impeachment complaint laban sa yumaong dating chief Justice Renato Corona.
Sa isang panayam, sinabi ni Atty. Jose Deinla, tagapagsalita ni Sereno, sa reklamo laban kay Corona ay naktita ang mga tagong yaman nito na hindi idineklara sa kanyang Statement of Asset, Liabilities and Net Worth (SALN).
Sa kaso naman ni Sereno, sinabi ni Deinla na walang itinatagong yaman ang punong mahistrado.
Aniya, tiwala ang kanilang kampo nila na walang maihaharap na ebidensya laban kay Sereno sa mga pagdinig sa impeachment complaint.
Samantala, sa hiwalay na panayam, ipinahayag ni Deputy Speaker Fredenil Castro na maraming ebidensyang nakahanda laban kay Sereno.
Nauna nang sinabi ni Atty. Larry Gadon na ilang mga justices rin ng Supreme Court ang nakahandang tumestigo laban sa Punong Mahistrado.