Batanes Rep. Dina Abad, pumanaw na

PHOTO: congress.gov.ph

Pumanaw na ang kinatawan ng Batanes sa Kongreso na si Henedina “Dina” Abad.

Mismong si Vice President Leni Robredo, na chairperson ng Liberal Party, ang nagkumpirma sa pagpanaw ng mambabatas sa pamamagitan ng kanyang Facebook account.

Si Congresswoman Abad ang misis ni dating Budget Sec. Florencio Abad kung saan mayroon silang apat na anak.

Ayon kay LP secretary general at Quezon City Rep. Jose Christopher “Kit”Belmonte, nakatakdang magbigay ng eulogies para kay Abad ang mga LP leader pagkatapos ng isang misa sa chapel ng Ateneo de Manila sa lungsod mamayang alas otso ng gabi.

Bago pa maging mambabatas, si Abad ay naging dean sa Ateneo School of Government.

Nagserbisyo din ang mambabatas sa ilang non-government organizations at civil groups.

Si Abad ay nagtapos bilang cum laude sa Maryknoll College hawak ang degree sa Economics.

Read more...