Tinawag na “ridiculous” o katawa-tawa ng isang international human rights watchdog ang naging pahayag ng Philippine National Police na walan naitalang kaso ng extrajudicial killings (EJK) sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa isang panayam, umalma si Human Rights Watch Geneva director John Fisher na sa tila pinapagaan ng mga pulis ang kahulugan ng extrajudicial killings.
Sinabi din ng opisyal na ang depinisyon ng EJK at isang universal concept at hindi ito maaaring limitahan ng gobyerno sa sarili nilang nais na kahulugan.
Dagdag pa ni Fisher, mabilis na mahahanap gamit ang Google search ang mas eksaktong kahulugan ng EJK kumpara sa ibinibigay na depinisyon ng gobyerno ng Pilipinas.
Iginiit ni Fisher na ang 3,800 katao na napatay sa drug operations ng mga pulis ay mga halimbawa ng kaso ng EJKs.
Ang nasabing bilang ay batay sa pahayag ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano sa panayam ng Al Jazeera.