Nagdulot ng pagbaha ang thunderstorm sa ilang bahagi ng Metro Manila tulad ng San Juan, Mandaluyong, Maynila, Marikina, ilang bahagi ng Rizal tulad ng Antipolo, Teresa,at Tanay maging sa ilang parte bahagi Bulacan.
Mabilis na pagtaas naman ng tubig sa ilang mababang bahagi na nagdulot ng pagbaha.
Dahil dito, muling naranasan ng mga commuters lalo na ang mga pauwi galing ng kanilang mga trabaho na ma-stranded dahil sa kawalan ng mga pampublikong
sasakyan.
Samantala, matinding traffic pa rin ang nararansan sa mga pangunahing lansangan sa sanhi ng patuloy na pag-ulan.
Nagpa-alala naman ang Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA iiral pa rin ang pag-ulan, malakas na ihip ng hangin na may kasamang kulog at kidlat at ang posibleng flashfloods ang mararanasan sa loob ng magdamag.
Samantala, dahil sa patuloy na pag-ulan, ilang mga night classes sa Maynila ang nagkansela na ng klase.
Ilan sa mga nagkansela ng ‘night classes’ ay ang:
PUP College of Law;
National University mula 6:00PM;
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila;
Lyceum of the Philippines University-Manila; Adamson University mula 5:00 PM at FEU-Manila mula 5:00 PM.