90, 000 inilikas dahil sa matinding pagbaha sa Japan

japan rescueLubog sa baha ang ilang bahagi ng North Tokyo sa Japan dahil sa lakas at walang tigil na pag-ulan doon.

Maraming mga kabahayan sa Bayan ng Tochigi at Ibaraki Prefecture sa hilagang bahagi ng Tokyo ang halos maanod ng rumaragasang tubig baha dahil sa pagragasa ng bagyong Etau sa lugar.

Maraming residente naman ang na-trap sa kanilang mga tahanan at nanatili sa bubungan ng kanilang mga bahay dahilan upang i-rescue sila ng mga Japanese military helicopters.

Dalawang araw ng walang tigil ang pag ulan sa nabangit na lugar na kaya’t umapaw ang Kinugawa river na umagos hanggang Northeast sa capital ng Japan.

Wala pa namang naiuulat na nasaktan o namatay sa nangyaring pagbaha ngunit patuloy pa rin ang pagsasagawa ng rescue ang self-defense forces ng Japan para pa rin sa mga taong nata-trap sa kanilang mga tahanan.

Read more...