Nakikipag-ugnayan na ang Commission on Elections sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas at iba’t ibang civic at academic organizations para makatulong sa pagdaraos ng isang Presidential debate.
Sa budget hearing sa senado, sinabi ni Comelec Chairman Andres Bautista na plano nilang isagawa ang tatlong magkakahiwalay na debate sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Nauna nang iminungkahi ni Senador Loren Legarda, chairman senate Committee on Finance sa Comelec na sa halip na magsiraan sa social media at iba pang uri ng komunikasyon, dapat may mga programa ang ahensya sa maayos na pangangampanya.
Dagdag ni Legarda, malaki ang maitutulong ng debate para makita ng publiko ang kakayahan ng mga tumatakbo sa pwesto.
Mas magiging matipid aniya ang kampanya ng mga kandidato kung magkakaroon ng debate sa halip na mag house to house campaign.
Uutusan naman ng Comelec ang mga kakandidato na magsumite ng kanilang plataporma de gobyerno para malaman kung gaano kaseryoso ang mga ito sa pagresolba sa mga problema ng bansa.