Pag-iimbestiga sa pagsabog ng water tank sa Bulacan, sisimulan na

Kuha ni Mark Makalalad

Bumuo na ng task force na tututok sa pag-iimbestiga sa sumabog na water tank sa San Jose Del Monte, Bulacan noong Biyernes, October 6.

Ayon kay San Jose Del Monte Mayor Arthur Robes, sisimulan nila ang imbestigasyon sa pagtukoy ng sanhi sa pagsabog ng tangke kahit pa may mga nakuha nang impormasyon ang mga otoridad.

Samantala, sinabi din ni Robes na nakikipag-ugnayan na sila sa Commission on Audit at iba pang ahensya para sa financial assistance sa mga residenteng naapektuhan.

Hinihintay pa aniya nila ang approval ng COA kung magkano ang pwedeng ibigay sa bawat pamilya.

Pagdating naman sa bayarin sa ospital at paglilibing sa mga biktima, sinabi ni Robes na sinagot na ito ng lokal na water district.

Umabot sa apat katao ang nasawi habang hindi naman bababa sa apatnapu’t lima ang sugatan dahil sa naturang insidente.

Read more...