Dalawang biyahe ng Cebu Pacific, kanselado dahil sa sama ng panahon

FILE PHOTO

Kanselado ang ilang flights ngayong araw dahil sa masamang panahon na dulot ng isang low pressure area (LPA).

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kinansela ang dalawang biyahe ng Cebu Pacific na:

– 5J 504 Manila to Tuguegarao at,

– 5J 505 Tuguegarao to Manila

Pinayuhan naman ang mga apektadong pasahero na tumawag sa airline company para sa rebooking o refund.

Sinabi ng PAGASA na nag-landfall na ang nasabing LPA sa Aurora, na nakakaapekto naman sa Luzon, partikular na sa northern Luzon at Bicol Region.

Read more...