Mayweather, gumamit umano ng banned intravenous injection bago ang laban nila ni Pacquiao

 

Rem Zamora/Inquirer

Nag-take umano ng isang uri ng intravenous injection ang pound-for-pound king na si Floyd Mayweather Jr., isang araw bago ito sumabak sa laban sa pambansang kamao na si Manny Pacquiao.

Pinag-uusapan ngayon sa social media  ang pag-iinject umano ni Mayweather Jr. ng intravenous shots na naglalaman ng bitamina at saline solution na ipinagbabawal sa ilalim ng World Anti-Doping Agency o WADA.

Ayon kay Thomas Hauser, writer sa SB nation hindi naman ilegal ang i-inject kay Mayweather batay sa WADA ngunit ang mali lamang aniya dito ay hindi ito hiningian ng clearance sa United States Anti-Doping Agency o USADA.

Dagdag pa ni Hauser, humiling ng waiver ang kampo ni Mayweather mula sa USADA ngunit ginawa nila ito 18 araw matapos lamang ang laban ni Mayweather kay Pacquiao.

Batay sa kampo ng Amerikanong boksingero, naglalaman ang intravenous injection ng 250 milliliter mixture ng saline at multivitamins, at 500 milliliter ng saline at Vitamin C at ibinibigay sa kampeon para sa rehydration purposes.

Gayunman, hindi pinapayagan ng WADA ang mga IV injection ng lampas sa 50 milliliters sa bawat anim na oras.

Hindi rin umano ipinaalam ng USADA ang IV sa Nevada State Athletic Commission na siya namang nangangasiwa sa pag-iinject sa mga boksingero.

Read more...