Makaraan ang walong sunud-sunod na oil price hike ay magpapatupad naman ng price rollback ang mga kumpanya ng langis sa susunod na linggo.
Sa inilabas na advisory ng Department of Energy, kanilang inanunsyon na aabutin ng P0.75 ang bawas sa presyo ng gasolina sa araw ng Martes.
Aabot naman sa P0.55 kada litro ang kaltas sa presyo ng diesel samantalang P0.90 naman sa kerosene o gaas.
Pwede pang magbago ang nasabing halaga depende sa magiging resulta ng kalakalan sa araw ng Lunes ayon sa DOE.
Sa kasalukuyang ay naglalaro mula P41 hanggang P50 ang halaga ng kada litro ng gasolina dito sa Metro Manila samantalalang mula P31 hanggang P36 naman sa presyo ng bawat litro ng diesel.
MOST READ
LATEST STORIES