Ilang mga heavy equipment sinunog ng NPA sa Cagayan

Nilusob ng tinatayang 30 hinihinalang miyembro ng New People’s Army ang isang construction site sa Santa Teresita, Cagayan.

Sinunog ng mga suspek ang dalawang backhoe at isang dump truck dakong alas-6:30 ng umaga ng Sabado sa Barangay Dungeg ayon sa ulat ni Lt. Col. Camilo Saddam na siyang pinuno ng 17th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Binihag umano ng mga armadong kalalakihan ang dalawang caretakers sa nasabing construction site ngunit pinakawalan din matapos ang sunog.

Ang naturang construction equipment ay pag-aari ng DDP Construction at Toboc Construction Company.

Ayon kay Saddam, mabilis na tumakas ang mga hinihinalang rebelde sa bahagi ng bayan ng Gonzaga makaraan ang ginawa nilang pag-atake sa lugar.

Inaalam na ng mga otoridad kung may kaugnayan ang nasabing panununog sa paniningil ng revolutionary tax ng mga miyembro ng CPP-NPA

Read more...