Inihatid na sa kanyang huling hantungan ang beteranong brodkaster na si Jose Malgapo Taruc o Joe Taruc.
Pasado alas-otso ng umaga ng ilabas mula sa kanilang ancestral home sa Gapan City sa Nueva Ecija ang kabaong ni Taruc para dalhin sa Serenity Garden Chapel and Crematory sa Cabanatuan City kung saan ito nai-cremate.
Dinumog ng kanyang mga kababayan ang libing ni Taruc kung saan ay sinalubong rin siya ng kanyang mga tagapakinig sa ilang bayan na dinaanan ng kanyang convoy bago dumating sa Cabanatuan City.
Mula sa crematorium ng Serenity Garden Chapel ay idiniretso ang mga abo ng brodkaster sa Gapan City Parish Church kung saan ito ay inalayan ng misa.
Pasado alas-dos ng tanghali mula sa simbahan ay idineretso ang mga labi ni Taruc sa family mausoleum sa Gapan City Cemetery.
Si Taruc ay ipinanganak noong noong September 17 1947 at namatay noong September 30 sa edad na 70.
Sa loob ng 49 years ay naglingkod si Taruc sa iba’t ibang mga himpilan ng radyo at telebisyon at pinakahuli dito ang DZRH kung saan siya ay nagsimulang mag-brodkas noong 1987.
Naulila ni Taruc o Manong Joe ang kanyang asawa, apat na mga anak at mga apo.