Ilang ASEAN leaders nakausap ng pangulo sa pagbisita sa Brunei

Malacanang photo

Inihayag ng Malacañang na naging kapaki-pakinabang ang isang araw na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Brunei Darussalam.

Ang pangulo kasama ang ilang lider sa Southeast Asia ay dumalo sa Golden Jubilee celebration sa pag-upo sa pwesto ni Sultan Hajji Hassanal Bolkiah.

Bukod kay Bolkiah ay nagkaroon rin ang pangulo ng pagkakataon na makipag-ugnayan kina Indonesian President Joko Widodo, Malaysian Prime Minister Najib Razak at Cambodian Prime Minister Hun Sen.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na sa pamamagitan ng pakikipag-usap ng pangulo sa nasabing mga lider ay mas lalong mapapatatag ng Pilipinas ang bilateral ties sa mga kalapit na bansa sa rehiyon.

Sinamantala na rin ng pangulo ang pagkakataon para makasalamuha ang ilang mga Overseas Filipino Workers na nagtatrabaho sa nasabing bansa.

Ito ang unang byahe sa labas ng bansa na ginawa ng pangulo mula nang pumutok ang kaguluhan sa Marawi City noong nakalipas na buwan ng Mayo.

Si Duterte kasama ang kanyang delegado ay dumating sa Davao City kaninang alas-dos ng madaling araw ay mananatili siya doon ngayong weekend.

 

Malacanang photo
Read more...