Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ni Philippine National Police chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa si Supt. Lito Cabamongan.
Si Cabamongan ang dating hepe ng PNP Crime Laboratory satellite office sa Muntinlupa City na naaktuhang nagpa-pot session noong Marso 30 sa Las Piñas City.
Sa ilalim ng order na nilagdaan ni dela Rosa, napatunayang ‘guilty of conduct unbecoming of a police officer’ si Cabamongan.
Ayon kay Dela Rosa, maaari namang maghain ng motion for reconsideration si Cabamongan, pero iginiit ng chief PNP na hindi na ito makababalik sa serbisyo.
Matatandaang Marso 30 nitong taon nang maaktuhan si Cabamongan na nagsa-shabu kasama ang isang Nedy Sabdao sa Talon Kuatro, Las Piñas City.
MOST READ
LATEST STORIES