Kabilang sa mga inimbitahan ang mga frat members na hindi nag-aaral sa UST pati na rin ang mga pangalan na nakita sa chat group ng grupo.
Sa nasabing chat group unang nakita kung paano pinagtangkaang itago ng mga kasapi ng fraternity ang pagkamatay ni Castillo.
Pinakahuli sa mga inimbitahan ng NBI ay si Lennert Galicia na ngayon ay nagtatago na rin.
Sa pahayag ng NBI, tanging ang mga magulang lamang umano nito ang nakikipag-ugnayan sa kanila sa kasalukluyan.
Sinabi rin umano ng mga magulan ni Galicia na hindi na ito nagpupunta sa UST dahil sa kasalukuyan ay nag-aaral na siya sa Bulacan State University.
Kabilang ang pangalan ni Galicia sa mga active members ng group chat bago nila ito isinara makaraang mamatay sa hazing ang 22-ayos na law student.
Sinabi pa ng NBI na hindi nakikipagtulungan ng maayos ang ilan sa mga kasapi ng Aegis Juris Fraternity na kanilang iniiimbestigahan sa kasalukuyan.