Ayon sa joint statement ng Department of Transportation (DOTr) at PAL ay nagkaroon sila ng resolusyon kaugnay ng mga hindi nabayarang mga fees ng naturang airline.
Una ng sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang ipapasara ang hub ng PAL sa Terminal 2 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung hindi mababayaran nito ang mga fees nito.
Nakasaad din sa joint statement na isa sa mga dahilan kung bakit pumayag ang PAL na makipag-settle ay para maipakita ang tiwala at confidence nito sa administrasyon ni Pangulong Duterte.
Tiniyak naman ng PAL na kanilang pananatilihin na updated at current ang kanilang mga transaksiyon sa CAAP AT MIAA.