AFP kinumpirmang nagbabalak ang mga komunistang rebelde at ibang lawless armed groups na pabagsakin ang Duterte Administration

Nagbabalak ang mga komunistang rebelde at ibang lawless armed groups na pabagsakin ang administrasyong Duterte.

Kinumpirma ito ni Armed Forces of the Philippines spokesperson Major Gen. Restituto Padilla.

Nang tanungin kung sangkot dito ang oposisyon laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Padilla na posible ito ngunit hindi pa siya makapagbibigay ng impormasyon ukol dito.

Aniya, ang pangulo ang mas nakakaalam sa impormasyon ukol sa mga umano’y destabilization plot.

Giit ni Padilla, tinututukan ng AFP ang mga armadong grupo.

Noong Miyerkules, ipinahayag ni Duterte na nagkakaisa umano ang Liberal Party at mga komunistang rebelde para patalsikin sa pwesto ang pangulo.

Read more...