Sinampahan na ng kaso ng Internal Affiars Service ng Philippine National Police ang 15 pulis Caloocan na sumalakay sa isang bahay noong September 7.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty Alfergar Triambulo, grave neglect of duty at less grave neglect of duty ang isinampa sa Precint 4 Commander ng Caloocan PNP na si Chief Inspector Timothy Aniway Jr.
Kasong grave misconduct at conduct of unbecoming of a police officer naman ang isinampa sa grupo ng sumalakay na sina:
- Police Senior Inspector Warren Tano Peralta
- PO1 Ariel Furio
- PO1 Marvin Poblete
- PO1 Sherwin Rivera
- PO1 Jay Gabata
- PO1 Sampang Sampurna II
- PO1 Rene Llanto
- PO1 Louie Serrano
- PO1 Jaypee Talay
- PO1 Ronelio Julaton
- PO1 Jay-ar Sabangan
- PO1 Jaime Natividad
- PO1 Michael Angelo Miguel
- PO1 Joey Leaban
Base sa imbestigasyon ng IAS, lumalabas na may kapabyaaan si Chief Inspector Aniway sa dahil sa command responsibility habang kawalan ng sapat na dokumento para magsagawa ng operasyon ang naging dahilan para kasuhan ang operating team.
Matatandaang batay sa CCTV, napansin na pumasok sa isang bahay ang naturang mga Pulis Caloocan na hindi pagprisinta ng search warrant, hindi rin nakasuot ng uniporme ang mga ito at maliban dito ay nagdala rin sila ng isang menor de edad sa operasyon.