Isyu sa depression seryoso at hindi dapat palalain pa ayon sa DOH

Sinabi ng Department of Health (DOH) na hindi dapat ipinagsasawalang bahala lang ang isyu ng depression.

Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, hindi dapat palaging itratong biro o ipagsawalang bahala kapag may kakilala na nagsasabing nakakaramdam siya ng depression.

Dagdag pa nito maraming mukha ang depression at may mga palatandaan na ang isang tao ay nakakaranas nito.

Aniya ang napakahalagang unang lunas sa depression ay kausapin lang ang nakakaranas nito.

Nagpahiwatig ito na ang isa sa mga pangunahing dahilan ng suicide cases at kapansanan sa pag-iisip ay depression.

Tumanggi din si Ubial na magbigay ng komento sa sinabi ni TV Host – Actor Joey de Leon na ang depression ay gawa-gawa lang ng taong nagsasabi na nakakaranas nito.

Read more...